by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 28 June 2016
Nagpaalam na si Incumbent Romblon Congressman Eleandro Jesus ‘Budoy’ F. Madrona sa mga empleyado ng Local Government ng Odiongan na dumalo sa inauguration ng bagong two-storey legislative building ng nasabing bayan.
Sa talumpati ni Congressman Madrona, humingi siya ng tawad sa mga request ng mga residente ng Odiongan na hindi niya nabigyan ang mga kahilingan.
“Kung may mga nakaligtaan man ako, paumanhin nalang po. Hindi po natin kayang ibigay ang lahat ng kailangan niyo ng sabay-sabay.” pahayag ni Madrona.
Ipinaliwag rin niya kung bakit hindi niya kayang ibigay lahat, ayon kay Rep. Madrona, kapag humingi umano siya ng sampung pangunahing kailangan sa mga Barangay at natapos na ang iba doon madagdagan nanaman umano yun ng iba pa.
Humingi rin ng paumanhin si Congressman Madrona sa mga kabataan na hindi nakikita ang kanyang mga nagawa sa loob ng 6-na termino bilang mambabatas.
“Ito na siguro ang last na inauguration na pupuntahn ko bago ako mag retire, alam niyo, halos 3,000 rin na garlands ang naipon ko sa bahay na ibinibigay ninyo kapag ako ay bumibisita sa mga lugar. Ako nga lang rin ata ang nakakapag korona sa 6 na na lugar sa loob ng isang gabi,” dagdag pa nI Rep. Madrona.
Sinugurado naman ni Rep. Budoy na ipagpapatuloy ng kanyang kapatid na si Congressman-elect Emmanuel Madrona ang kanyang mga nasimulan.
Sa June 30 ng tanghali matatapos ang anim na termino ni Congressman Eleandro Jesus ‘Budoy’ Madrona at opisyal na siyang magiging private citizen at maninirahan nalang ng tahimik sa bayan ng San Agustin.
Si Congressman Eleandro Jesus ‘Budoy’ Madrona rin ang pinakamatagal na public servant sa lalawigan ng Romblon.