by Paul Jaysent Fos, Romblon News / Photo from Sheran Jusay | Saturday, 25 June 2016
Aabot sa mahigit 100 na kapulisan sa buong Tablas Island, Romblon ang nagdonate ng dugo kahapon, June 24, para sa blood letting activity na pinangunahan ng Romblon Provincial Blood Council sa Romblon Provincial Hospital.
Ang nasabing bloodletting Activity ay may layuning madagdagan ang stocks ng iba’t ibang uri ng dugo sa Romblon Provincial Hospital at para na rin ma check-up ang kalagayan ng mga kapulisan sa Romblon.
Ayon sa mga eksperto, ang regular umanong pagbabawas ng dugo ay nakakapaglinis ng katawan at pwedeng makaiwas sa mga sakit.