by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 28 June 2016
Nakatanggap kamakailan ang lalawigan ng Romblon ng isang unit ng Mobile Dental Bus mula sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Dr. Ruth Cervo ng DOH Romblon Provincial Office, ang naturang bus ay may dalawang dental chair, stainless na lababo, upuang hintayan ng mga magpapabunot o magpapakonsulta, at mesa ng dentista. Bahagi aniya ito ng agresibong pagsusulong ng DOH upang matamo ang Kalusugang Pangkalahatan at maaari umano itong mag-ikot sa iba’t ibang bayang nasasakupan ng Romblon upang mgasagawa ng medical at dental mission.
Ang proyektong ito ay naglalayong makapaghatid ng mga pangunahing serbisyong pangkalusugan sa mga mahihirap na barangay gaya ng ECG, X-Ray, check-up at bunot ng ngipin