by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 28 June 2016
Magkasunod na pinasinayaan ngayong araw sa pangunguna ni incumbent Romblon Congressman Eleandro Madrona ang covered court sa Barangay Rizal at Budiong, at ang bagong dalawang palapag na legislative building para sa lehislatura ng nasabing bayan.
Maagang sinalubong si incumbent Congressman Madrona sa Barangay Budiong kung saang sinalubong siya ng mga mag-aaral ng isang day care center sa porok kasama ang kanilang mga magulang.
Game naman na nakipag-photo ops si incumbent Congressman Madrona sa kanila bago siya magsimula magtalumpati.
Aniya ni incumbent Congressman Madrona, hindi umano matatapos sa covered court ang kanyang tulong sa Barangay dahil bibigyan niya rin umano ng P150,000 na budget ang barangay para makapagpatayo ng isang Day Care Center.
Para umano ito sa mga estudyante na pansamantalang ginagamit ang covered court sa pag-aaral dahil hindi kasya lahat ng estudyante sa kasalukuyang day care center.
“Lahat ito ay bunga ng pagmamahal ko sa inyong lahat para sa mga kabarangayan, para sa inyong lahat. Kahit natalo ako rito noong nakaraang election, ibibigay ko parin sa inyo ang hiling niyong isang Standard Day Center,” pahayag ni incumbent Congressman Madrona.
Sa talumpati naman ni incumbent Congressman Madrona sa pagpapasinaya ng two-storey legislative building ng Odiongan, sinabi nito na pangako umano niya ito kay incumbent Odiongan Mayor Roger Fodra ng siya ay tumakbo sa pagka-vice mayor noong 2013.
Ang nasabing legislative building ay nagkahahalaga ng mahigit P7-M.
Inabutan naman ng parangal ni Vice Mayor Mark Anthony Reyes kaisa ang mga Sanguniang Bayan members si Madrona bilang pagkilala umano sa kanyang tulong sa paghahanap ng pondo para maitayo ang nasabing gusali.
Ang bagong legislative building ang magsisilbing opisina ng mga Sanguniang Bayan members at ng Vice Mayor ng Odiongan at dito rin gaganapin ang lahat ng session ng lehislatura ng nasabing bayan.