by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 09 June 2016
Nagsimula nang tumanggap ang DOST-Romblon Provincial Science and Technology Center ng aplikasyon para sa mga mag-aaral sa elementarya na nagnanais mag-aral sa Philippine Science High School (PSHS)-Mimaropa Campus na nakabase sa Bgy. Rizal, Odiongan, Romblon.
Ang PSHS Scholarship program ay para sa mga mag-aaral na kasalukuyang nasa ikaanim na baitang sa elementarya na may final grade na 85% sa Science at Math. Ang mag-aaral ay kinakailangang napapabilang sa upper 10 percent ng graduating class ngayong schoolyear.
Ang kwalipikadong aplikante ay dapat Filipino citizen na walang pending o aprubadong aplikasyon bilang immigrant sa alinmang bansa, ipinanganak bago o matapos ang Agosto 1, 2002, mayroong at least a satisfactory rating (or katumbas nito) sa kanyang Character Rating na nakatala sa report card (SY 2015 – 2016), hindi pa kailanman nakakuha ng PSHS NCE, may malusog na pangangatawan at handang sumailalim sa rigorous academic program.
Sa mga interesadong aplikante, kinakailangang magsunmite ng dalawang kopya ng fully accomplished Application Form, dalawang (2) identical recent 1×1 ID pictures, non-refundable test fee (Php 100 for private schools, free for public schools), certified true copy of report card (SY 2015 – 2016) by the class adviser / principal at kapag ang final grades sa Science or Math ay mababa sa 85 porsiyento ay kailangan magpakita ng certification o katoibayan na ang bata ay kabilang sa upper 10 porsiyento of the class.
Ang deadline ng pagsumite ng application forms ay sa Setyembre 2, 2016 at ang Philippine Science High School System’s National Competitive Examination (NCE) ay gaganapin sa Oktubre 22, 2016.
Para sa karagdagang detalye o katanungan, maaaring magtext o tumawag sa mga numerong: 0998-9844385, 0977-8368162, 0927-4124333 o sa kanialng landline number (042) 567-5218 at hanapin lamang si Lyn J. Famisaran.