by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Wednesday, 08 June 2016
Ang Department of Science and Technology (DOST)- Romblon Provincial Science and Technology Center ay tumatanggap na ng mga aplikante para sa Junior Level Science Scholarship (JLSS) Program.
Ito ay bukas para sa mga regular 3rd year college students na may kursong may may kinalaman sa Science, Mathematics at Engineering at may general weighted average na hindi bababa sa 83 porsiyento sa una at ikalawang taon nila sa kolehiyo.
Ang makakapasang estudyante ay makatatanggap ng P10,000 pang-matrikula at iba pang bayarin sa paaralan sa bawat semester o P8,000 para sa trimestral term, book allowance, monthly stipend, clothing allowance, transportation allowance at health insurance.
Sa mga nagnanais na kumuha ng JLSS qualifying examination, maaaring kumuha ng application forms sa tanggapan ng DOST-PSTC na matatagpuan sa Bgy. Tabing-dagat, Odiongan, Romblon.
Ang deadline ng pagsumite ng application forms ay sa ika-9 ng Setyembre at ang petsa ng eksaminasyon ay nakatakdang isagawa sa ika-16 ng Oktubre 2016.
Para sa karagdagang detalye o katanungan, maaaring magtext o tumawag sa mga numerong: 0998-9844385, 0977-8368162, 0927-4124333 o sa kanialng landline number (042) 567-5218 at hanapin lamang si Lyn J. Famisaran.