by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Saturday, 07 May 2016
Isinagawa na ngayong araw ang final testing and sealing sa mga vote-counting machines na nasa lahat ng presinto sa Romblon.
Ilang VCM ang nagka-problema katulad ng paper jam na halos 4 beses na lumabas habang hinuhulog ang sampung test ballots sa bayan ng Odiongan.
May isang VCM naman na nag hang matapos na bumoto ang isang test voter.
Ayon kay Dennis Servañez, Election Officer sa bayan ng Odiongan, agad naman umanong inaayus ng mga Board of Election Inspector ang mga problema ma-encounter ng mga makina.
Nagsimula na ring maghigpit ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa mga presinto kung saan maiiwan ang mga Vote-Counting Machines.
Ayon sa pamunuan ng Odiongan MPS, naka-deploy na umano ang mga tauhan nila sa lahat ng Barangay.
Sa pangkalahatan sa buong Romblon, naging matagumpay naman ang testing at tama naman ang lumabas sa returns ng VCM.