by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 11 May 2016
All accounted for at kompleto umano ang mga vote-counting machines sa buong lalawigan ng Romblon ayon sa isang source ng Romblon News Network.
Sa aming interview sa kanya, sinabi nitong naiproklama na ang bagong Congressman ng lalawigan dahil nakapag-transmit na ang lahat ng clusters precinct.
Pinaliwanag niya rin sa Romblon News Network na ang lahat ng VCM kapag nasa loob palang ng school ay pananagutan na ng mga BEI o Board of Election Inspector na itinalaga ng COMELEC.
Kapag lumipas na rin ang voting period at tapos na makapag-canvass bago nawala ang VCM’s, ito ay pananagutan na ng courier service ng COMELEC.
Hindi rin umano totoo na may mga nawawalang VCM sa Isla ng Sibuyan at sa bayan ng San Agustin sa Tablas Island.