by Lyle Formilleza, Romblon News | Saturday, 07 May 2016
Dinagsa ng halos humigit kumulang anim na libong supporters ang Grand Political Rally ng grupo ni Incumbent Odiongan Mayor at Re-electionist Engr. Roger Fodra Jr. at kanyang bise na si Breccio Fajutnao sa Odiongan Public Plaza sa huling gabi ng pangangampamya.
Kapansin-pansin sa grupo na kahit independent ang kanilang partido, dumalo si Governor candidate Gerard S. Montojo, alkalde ng Romblon, Romblon sa nasabing gawain na pinasimulan ng panalangin.
Unang naglatag ng plataporma de gobyerno ang anak ni SB Dominador Bantang na si Quincy Bantang-Cabrera sa mga panauhin at supporter ng grupo at sa kanyang pagtatapos nag-endorso siya ng tatlong Sangguniang Panlalawigan na sina SP Maravilla, SP Ylagan, na pawang kasama sa LP-NP-NPC Coalition, at Atty. Lyn Suarez-Fetesio ng UNA.
Hindi na nasundan ang pageendorso matapos ipakilala ang pagiging guest candidate ni SP Maravilla ng kanilangh emcee.
Sa kalagitnaan ng programa, maraming nakapansin sa mga kabataang nag-aabot ng maliliit na polyeto ng paghingi ng supporta ng isang kandidato na tumatakbo sa pagka-SP na nasa kabilang partido sa labas ng public plaza na kung saan hinayaan lang ito ng kabilang partido.
Dinaan naman ni Mayor Gard sa mga biro ang mga issues at concerns niya sa mga katunggali sa pagiging gobernador na nagbigay ngiti sa nakikinig.
Bago matapos ang pagtitipon, binigyang daan na maglatag ng plataporma ang kasalukuyang alkalde ng Odiongan ngunit hindi naiwasan ni Mayor Fodra ang maging emosyonal dahil noon, kung purihin siya at ipakilala sa bawat okasiyon na dinadaluhan ng mga kasama sa konseho noon ay abot langit, paliwanag ng alkalde. Ngunit ngayon ay kabaliktaran na ang ngyayari, dagdag pa niya.
Natapos naman ang programa sa mapayapa at maayos ng paraan.