by Dennis Evora, Romblon News | Wednesday, 04 May 2016
Mas paghihigpitan pa ng mga kapulisan sa lalawigan ng Romblon ang kanilang pagbabantay sa mga munisipyo habang papalapit ang araw ng halalan.
Sa bayan ng Concepcion, naglagay na ang mga tauahan ng Concepcion Municipal Police Station ng mga paalala sa labas ng mga tindahan at mga ilang piling lugar sa bayang nasasakupan patungkol sa liqor ban.
Ito ay bilang pagsunod sa kautusan ng COMELEC kaugnay sa papalapit na halalan.
Sa mga araw na nabanggit, mahigpit na babantayan ang mga tindahan para hindi makapagtinda ng mga inuming nakakalasing, at ang mga residente na iwasan muna ang mga ganong klase ng inumin.