by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 24 May 2016
Ang lokal na pamahalaan ng Alcantara sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) at Rural Health Unit (RHU) ay nakikiisa sa pagdiriwang ng 2016 Safe Motherhood Week na taunang ginugunita tuwing Mayo 9 – 20.
Sinabi ni Dr. Jobin Maestro, Municipal Health Officer ng RHU – Alcantara na kanilang inaaanyayahan ang lahat ng expectant mothers at mga nasa reproductive age na kababaihan na dumalo sa kanilang isasagawang culminating activity, Project SUSAN (SUporta Sa Anak at Nanay) Program Evaluation at Mothers Class.
Ang nasabing aktibidad ay gaganapin sa Biyernes, ika-20 ng Mayo sa Municipal Hall na magsisimula ng alas-8:00 at magtatapos ng alas-11:00 ng umaga.
Ang dadalo na mga nanay o kababaihan na nagdadalang tao ay sasailalim sa lecture ng mga health workers hinggil sa wastong pangangalaga ng kanilang ipinagbubuntis para sa kanilang ligtas na panganganak.
Tiniyak ng RHU Alcantara na maraming kananayan ang lalahok sa kanilang imbitasyon at inaasahan na magiging matagumpay ang kanilang selebrasyon.