by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Monday, 16 May 2016
Aabot sa 12 na katao ang nadakip ng mga tauhan ng Corcuera Municipal Police Station nitong nakaraang huwebes, May 12 matapos na maugnay sa illegal na sugal sa lugar.
Nadakip sa isang operasyon sa Sitio Tabunan, Barangay San Roque, Corcuera, Romblon ang mga suspek na nakilalang sina Albert Fanoga Cerilla, 45 years old; Lerry Falceso Falcunaya, 40 years old; Joemel Sadico Fajutnao, 36 years old; Kenneth Falcunaya Fallaria, 32 years old; Dindo Falceso Falcunaya, 43 years old; Bobby Falquez Falcunaya, 42 years old; Manito Falcunitin Fallarna, 70 years old; Harold Mazo Faminiano, 36 years old; Redent Fronda Rosa, 26 years old; Jander Fallarna Fornda, 20 year sold; at Ricky Fajilan Faner, 45 years old.
Pawang mga residente ng Barangay Mangansag ang mga suspek.
Ayon sa Corcuera MPS, pasado 4:30 ng hapon umano ng makatanggap sila ng report na merong nangyayaring illegal na sugal sa nasabing lugar kung saan nahuli ang mga suspek.
‘Bet Game’, yan umano ang tawag sa nasabing sugal.
Nakuha sa mga suspek ang playing cards na ginagamit at P516 na bet money.
Nakakulong na ang mga suspek sa Corcuera Municipal Police Station.