by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 12 April 2016
Isinagawa ang ground breaking ceremony kung saan itatayo ang Philippine Science High School (PSHS) Mimaropa Regional Campus sa Odiongan, Romblon.
Ang seremonya ay pinangunahan ni Dr. Rowena Cristina L. Guevara, Undersecretary of Scientific and Technological Services, at dinaluhan din nina Dr. Ma. Josefina P. Abilay, Director, DOST-Mimaropa, Provincial Officer Marcelina Servañez, Provincial Science and Technology Center-Romblon, Congressman Eleandro Jesus F. Madrona, mga kinatawan mula sa PSHS System at matataas na opisyal ng lalawigan.
Ang site na pagtatayuan nh PSHS Regional Campus ay may lawak na limang ektarya na ipinagkaloob ng Romblon provincial government na matatagpuan sa Bgy. Rizal, Odiongan, Romblon.
Sa lugar na nabanggit itatayo ang mga gusaling gagamitin ng mga estudyanteng nakapasa sa qualifying exam ng PSHS upang makapag-aral ng libre hanggang makatapos sa pag-aaral.
Sinabi ni Governor Eduardo C. Firmalo na habang isinasagawa ang konstruksiyon ng mga gusali sa PSHS Regional Campus ay ipahihiram muna ng pamahalaang panlalawigan ang Provincial Convention Center upang magamit ng faculty at mga mag-aaral sa klase.
Ang PSHS Regional Campus ay nakatakda ng magbukas sa darating na Hulyo ng taong kasalukuyan.