by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 26 April 2016
Umaaray na sa epekto ng tag-init at El Nino ang mga inamtes ng Odiongan District Jail sa bayan ng Odiongan sa probinsya ng Romblon.
Naabutan pa ng Romblon News Network na nakapila ang mga baldi (timba) ng mga inmates na nag-aantay sa rasyong dadalhin sa kanila ng Bureau of Fire Protection – Romblon galing pa sa sentro ng bayan.
Simula pa umano nitong nakaraang linggo nawalan ng tubig ang kanilang mga gripo.
Ayon sa pamunuan ng Odiongan District Jail, maliit na umano ang tubig na nanggagaling sa sa bundok at hindi na umaabot sa kulungan ang tubig. Natuyo na rin ang fishpond na ginawa ng mga inmates upang maymakuhaan ng isda.
Dahil sa kawalan ng tubig, pahirapan ang mga inmates sa kanilang paliligo at paglalaba. Sa ngayon aabot sa mahigit 100 katao ang nakakulong sa Odiongan District Jail na hawak ng Bureau of Jail Management and Penology