by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 22 April 2016
Pansamantalang ititigil umano ng pamunuan ng Tablas Island Electric Cooperative o TIELCO ang mga naka schedule at on-going power interruption sa araw ng May 8 at sa mismong halalan sa May 9.
Sa phone interview ng Romblon News Network kay Dennis Alag, ISD Manager ng TIELCO, sinabi nitong ginagawa nila ang lahat upang maging maayos ang kanilang mga linya ng kuryente sa mismong araw ng halalan.
Sapat rin umano ang suplay ng krudo ng mga planta ng National Power Corporation (NAPOCOR) at Sunwest Water and Electric Co., Inc. (SUWECO) sa bayan ng Odiongan.
“Kung sakaling magkaroon man ng power interruption sa araw ng halalan, may mga grupo naman kaming nakaaabang sa bawat bayan upang magsaayos agad ng linya,” pahayag ni Alag.
“Mahalagang panahon yang election, commision kami ng COMELEC para hindi mawalan ng kuryente,” dagdag pa ni Alag.