by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 06 April 2016
Matagumpay na ginanap kahapon, April 05, sa Romblon, Romblon ang joint closing ceremony at convening ceremony para sa mga K-9 units ng Philippine Coast Guard na sumailalim sa Coast Guard K9 Narcotic Detection Dog and Handler Specialization Course.
Dinaluhan ito ni RADM Wiliam M. Melad, Commandant ng Philippine Coast Guard.
Aabot sa 20 aso ang ipinadala sa lalawigan nitong June kasama ang kanilang mga handlers upang magsanay.
Ang mga nasabing aso ay nagsanay rin sa search and rescue operation para magamit sila kung sakaling may mangyaring sakuna sa bansa katulad ng lindol at bagyo.
Ayon sa Philippine Coast Guard, ang mga aso ay ipapadala sa mga Coast Guard Station sa La Union at Palawan sa Luzon, Cebu sa Visayas at Zamboanga at Davao sa Mindanao kung saan kulang ang mga K-9 dogs.
11 sa mga aso ay tinuruang umamoy ng pampasabog, 4 naman ay tinuruang umamoy ng mga narcotic drugs, at ang 2 ay tinuruan ng SAR at maghanap ng mga cadaver ng tao.