by Ian Kay Faa, Romblon News | Friday, 08 April 2016
Inanunsiyo ng Commission on Higher Education (CHED) at Edukasyon.ph ang pagbubukas ng isang online platform para mas mapabilis ang pag-aaplay ng mga guro at staff sa mga scholarship na iniaalok sa ilalim ng CHED K to 12 Transition Program.
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungang ito ng CHED at Edukasyon.ph, maisasagawa na online ang nominasyong ibibigay ng mga kolehiyo at unibersidad para sa mga master’s o doctoral degree scholarships sa www.edukasyon.ph/ched.
Kaloob sa scholarship na ibibigay ng CHED, ay ang matrikula, iba pang bayarin gaya ng allowance para sa mga libro at pamasahe, insurance, at pondo para sa thesis o dissertation.
Ayon sa CHED, nasa 50% lang ng mga guro sa mga Higher Education Institution (HEI) sa Pilipinas ang may graduate degrees habang sa Vietnam ay 60% at Malaysia ay 69% naman. Dagdag pa rito, aabot sa 15,000 ang scholarships na ipapamahagi ng CHED upang mapataas ng 70% ang bilang ng mga graduate degree holders sa 2021.
Ilan sa mga suliraning naghahadlang sa mga guro para makapagpatuloy ng pagaaral ay ang kakulangan ng panahon dulot ng kalabisan ng mga teaching load, pangangailangan bumalik sa kani-kanilang unibersidad, at mababang stipend na binibigay sa mga scholar. Natutugunan ang mga pangangailangan na ito sa tulong ng mga scholarship at ibat ibang grants na hatid ng pamahalaan para dito,” pahayag ni CHED Commissioner Ma. Cynthia Rose Bautista.
Maaari rin direktang mag-applay ang mga inirekomendang scholar sa Edukasyon.ph sa napili nilang unibersidad na kabilang sa awtorisadong Delivering Higher Education Institutions (DHEIs) ng CHED sa buong bansa. Ang deadline ng pagapplay sa scholarship na ito ay hanggang April 8, 2016.
“Layunin namin ang bigyan ang mga college faculty at staff ng mga pagkataon mamili at mapadali ang proseso na ito. Sa pamamagitan ng scholarship system na ito, masmadali na ang pagpili at pagapply para sa napiling faculty,” Henry Motte-Muñoz, Founder, Edukasyon.ph.
For more information, please visit Edukasyon.ph