by Romblon News | Saturday, 05 March 2016
Simula ngayong March, maari nang mag broadcast ang Romblon News Network ng live events, interviews and breaking news sa mga subscribers nito worlwide gamit ang pinakabagong technology ng Facebook na Facebook Live.
Ang RNN ang kauna-unahang news media outlet sa Romblon Province na nagkaroon nito matapos itong ilabas sa US noong January at February naman dito sa Pilipinas.
Ayon kay Paul Jaysent Fos, senior news editor ng Romblon News Network, malaking tulong ang nasabing technology para sa mga malalayo sa Romblon na gustong makibalita sa nangyayari sa probinsya.
“Ang mga ganitong technology ay dapat ginagamit ng buo para makatulong sa bayan.” ayon kay Fos.
Ang RNN na dalawang beses nang naging Gawad-Ulat Awardee ng DSWD MIMAROPA ay may roon nang 24,000 likes sa Facebook Page nito.
“Hindi naman magiging alintana ang mabagal na connection sa Romblon dahil hindi naman sa lahat nang lugar sa lalawigan ay mabagal ang internet, diskarte nalang,” pahayag naman ni Fos ukol sa problema ng internet connection sa lalawigan.
Abangan ngayong March ang ilang live programs na ibibigay sa inyo ng mga RNN reporters at ilan ring live interview sa mga kandidato ngayong 2016 Election.