by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Friday, 04 March 2016
Sinabi ni Romblon Provincial Statistical Officer Lino P. Faminialagao na layunin nito na makapagtala ng 100 porisyentong Civil Registration sa loob ng 10 taon.
Ang CRVS Decade ay alinsunod sa Proclamation No. 1106 dated August 20, 2015, na nilagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III na nagdedeklara sa taong 2015 hanggang 2024 bilang CRVS decade.
Kasabay ng inagurasyon kamakailan sa bagong tanggapan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ay inilunsad din nito ang ang Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) decade sa kabisera ng Romblon.
Isa sa highlight ng paglulunsad ng CRVS ay ang unveiling ng photo booth na nakadisenyo na replica ng isang kubo na kung sann pwedeng magpakuha ng litrato sa loob nito.
Ayon pa kay Faminialagao, na isang paraan din umano ito ng information campaign kaugnay ng kahalagahan ng CRVS dahil ang mga datus na kanilang nakakalap ay napakaimportante sa pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan.
Ang paglulunsad ay pinangunahan ni Regional Director Leni R. Rioflorido ng PSA IV-B (MiMaRoPa) kung saan sinaksihan ito ng mga provincial officers / directors ng National Government Agencies, lahat ng Municipal Civil Registrar sa buong lalawigan at empleyado ng PSA Provincial Statistical Office.