by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Tuesday, 08 March 2016
Pinasinayaan na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang P2.4 milyon ‘waterworks project’ nito sa Bgy. Anahao, Odiongan, Romblon kung saan napapakinabangan na ng residente dito ang Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat (SalinTubig) na proyekto ng pamahalaang nasyunal.
Layunin ng SalinTubig na mabigyan ng water supply system ang mga waterless o kapos sa tubig na mga bayan, barangay, health stations/centers at resettlement sites sa buong kapuluan; at upang matulungan ang mga LGU maging ang mga water service provider sa kanilang pagpaplano, implementasyon at operasyon ng water supply facilities.
Ayon sa pamunuan ng DILG Romblon, ang Bgy. Anahao ang napiling benepisyaryo sa nasabing programa dahil umano sa kakulangan ng malinis na tubig at matagal na itong suliranin ng naturang lugar lalo na sa panahon ng tag-init.
Sa kasalukuyan ay mayroon ng maayos na suplay ng tubig sa mga kabahayan ng mga residenteng naninirahan sa naturang barangay dahil sa tulong ng programang SalinTubig ng DILG.