by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 30 March 2016
Tiklo sa kamay ng mga tauhan ng Cajidiocan Municipal Police Station at CIDG nitong Lingo ng Pagkabuhay, March 27 sa Barangay Cambajao ang isang lalakeng hinihinalang nagtatago ng illegal na baril at mga bala.
Sa bisa ng isang search warrant, hinalahug ng mga kapulisan ng Cajidiocan ang bahay ni Bernardo Ramo sa nasabing barangay.
Nakuha sa bahay ang isang .357 Magnum na baril at limang bala. Nakuha rin sa bahay ang dalawang pakite ng hinihinalang shabu, at pinatayung marijuana at ilang drug paraphernalia.
Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal Possession of Firearms and Ammunitions, violation of the Omnibus Election Code (Gun Ban), at RA 9165 Section 11 & 12 (Possession of Illegal Drugs and Possession of Drug Paraphernalia) ang suspek sa Provincial Prosecutors Office sa Romblon, Romblon.
Ayon sa Cajidiocan MPS, mas pinaigting nila ang pagpapatupad ng Oplan Lambat-Sibat sa bayan para narin mabigyan ng ultimatum ang mga criminal at magbigyan ng mas ligtas na bayan ang mga residente at businessman ng Cajidiocan.