by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 11 March 2016
Hinihinalang tinangay ng mga kawatan ang kanang kamay ng image ni San Vicente Ferrer na nakalagay sa isang shrine sa St. Vincent Ferrer Parish sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos matuklasan ng mga deboto ng imahe na nawawala ang kamay nito noong nakaraang Linggo.
Ayon sa nakausap ng Romblon News Network, laging nakabukas ang shrine kung saan nakalagay ang imahe ng santo kaya madaling pasukin ito ng mga kawatang may interes sa imahe.
Ang nasabing shrine na itinayo noong April 5, 1997 ay isa sa mga binibisita ng mga deboto ng santo sa tuwing Fiesta ng Odiongan at maaring makaapekto ito sa papalapit na fiesta ng munisipyo ngayong April 2016.
Sa ngayon, pansamantala munang isinara ang shrine sa mga publiko habang iniimbestigahan pa ang nasabing pagkawala ng kamay ng santo.