by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 11 March 2016
Nasagip ng mga tauhan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang aabot sa 24 na babae sa Boracay Island na nagtatrabaho for “commercial sex”.
Kasabay nang pagkakaligtas sa mga kababaihan ay nadakip ng mga kapulisan sa isang Sitio sa Barangay Manoc-Manoc ang dalawang suspek na empleyado ng Video King Bar bilang casher at waiter.
Kinilala ito sa report ng Rappler na sina Nestor Fabiano, Jr. 32 years old, residente ng Naga City at si Boyet Fajarito, Jr. 29 years old at residente ng Barangay Gabawan, Odiongan, Romblon.
Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Section 4(a) ng Anti-trafficking of Persons Act of 2003 sa Aklan Provincial Prosecutor’s Office nitong Lunes, March 07.
Nakuha kay Fajarito ang P4,000 na marked money at P3,000 na cash.
Ang BTAC ay binubo ng mga tauhan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at End Child Prostitution, Child Pornography and Trafficking of Children for Sexual Purposes (ECPAT)-Philippines.
Ilan naman sa mga nailigtas ay may edad na 20 hanggang 27 years old at residente ng Odiongan at Sawang, Romblon.