by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 22 March 2016
Hiniling ni Calatrava Mayor Rober Fabella sa pamunuan ng MARINA na ibaba ang pamasahe sa mga barkong bumibyahe patungong Batangas dahil sa sunod-sunod na pagbaba ng presyo sa mga langis sa pamilihan.
Ayon kay Fabella dapat na umano itong ibaba dahil sa pagbaba ng presyo ng mga langis sa merkado.
Sa pinadalang sulat ni Mayor Fabella sa MARINA noong Februray 16, sinabi ritong pag-aralan sana ng MARINA na ibaba ang presyo ng mga pamasahe sa barko lalo na sa mga RORO na bumibyahe patungong Batangas galing sa Tablas and Romblon Island.
“in behalf of our kasimanwa who travel from Romblon to Btangas and vice versa, I would like to appel to your office for a reduced boat fare for vessels plying Batangas to Romblon and Batangs to Odiongan and vice versa,” bahagi ng liham ni Fabella sa MARINA.
Sinabi rin sa sulat na ito ay para rin sa mga estudyanyeng maliliit lang ang allowance at bumibyahe pa ng Batangas upang mag-aral.
“Moreover, decresase in transpoirtaion expenses of commodities that these veessels haul will eventually result to their reduced prices, thus bringing about mich needded relief to the buying public,” bahagi pa ng liham.
Malaking bagay rin umano ang nasabing pagbaba ng presyo kung matuloy ayon sa ilang pasaherong nakausap ng Romblon News Network.
Makakatulong umano ito para sa mga nasa Manila na gustong umuwi kung may long weekend lalo na sa tuwing may celebration katulad nalang ng papalapit na Semana Santa.