by Ian Kay Faa, Romblon News | Thursday, 24 March 2016
Nagsagawa ng 5-araw na pagsasanay sa paggawa ng mga home garments ang Department of Trade and Industry sa bayan ng Magdiwang noong March 14-18, 2016.
Ang pagsasanay ay ginanap sa Magdiwanag Municipal Hall sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit ng Magdiwang at sa tulong na rin ng Grassroot Participatory Budgeting (GPB) Project.
Umabot sa 25 katao ang sumali sa pagsasanay.
Tinuruan sila ni Ms. Russel F. Avila, President ng Create Hands Association of Romblon kung paano gumawa ng iba’t ibang throw pillow, pillow, at pillow cases, bed sheets, bed covers at kurtina. Tinuruan rin sila kung paano gumamit ng high speed na seewing at edging machines.
Hinimok naman ni Ms. Janet Rufon, Trade and Industry Development Specialist ng DTI- Romblon ang mga kalahok na gamitin ang kanilang malawak na imahinasyon sa paggawa ng ibat ibang esign at sabihin sa kanilang opisina para lumago ang kanilang mga business.
Sa pagtatapos ng pagsasanay, ipinagkaloob ng DTI-Romblon ang mga sewing at edging machines sa mga kalahok pang may magamit sila sa kanilang mga business.