by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 16 March 2016
Hindi umano napatunayan sa korte na nilabag ni Dr. Ernesto Panes ng Romblon Protection against Crime and Corruption (RPCC) ang Repulict Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.
Ayon sa desisyon na inilabas ng Regional Prosecutor’s Office ng Region IV sa San Pablo City, Laguna, hindi umano napatunayan ni dating Sanguniang Panlalawigan Juliet Fiel sa hukuman na nilabag ni Dr. Panes ang batas dahil may mga basehan umano ito sa kanyang mga post sa Facebook.
Matatandaang kinasuhan ni Ex-SP Fiel si Dr. Panes noong nakaraang taon matapos na batikusin ni Panes ang iba’t ibang maanumalyang proyekto ni Fiel noong Mayor pa siya ng bayan ng Looc sa Tablas Island.
Isa sa mga post ni Dr. Panes ay ang pag question niya ukol sa nawawalang firetruck ng Local Government Unit ng Looc na di umano ay nasa kustodiya ni Fiel.
Ipinagbunyi naman ng RPCC_Looc Chapter ang nasabing resolution sa kaso.
Sa post ni Dr. Panes, sinabi nitong ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ay hindi hadlang sa Free Speech sa bansa basta totoo ang iyong sinasabi o ipinapahayag sa Radyo, Pahayagan o Social Media.