by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 10 March 2016
Ang mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)-Romblon Provincial Office ay nagtungo kamakailan sa bayan ng Romblon upang magsagawa ng libreng pagpapa-titulo ng lupa.
Walang anumang gastusin ang sinumang nagmamay-ari ng lupa sa survey at pagproseso ng kanilang titulo dahil ang tanging ang babayaran lamang ng mga ito ay ang notaryo at documentary stamp.
Ayon sa pamunuan ng DENR/CENRO, mayroon regular na ini-isyu na ‘free patents’ o libreng pagpapatitulo ng lupa sa ilalim ng ‘Republic Land Act’ (RLA). Ito ay batas na tinatawag na ‘Residential Free Patent Law’ sa ilalim ng ‘Republic Act’ 10023 (RA 10023) kung saan ang ating mga kababayan na nakatira sa mga poblacion, munisipyo ay puwede nang mabigyan ng mga titulo ang kanilang mga lupa sa mababang halaga.
Nilalayon ng ganitong aktibidad ng DENR na ipapatupad ang matapat, mabilis at matuwid na pagseserbisyo sa bayan at ang kailangan lamang nila ang kooperasyon ng bawat mamamayan para sa ikauunlad ng sambayanan.