by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 04 March 2016
24 Oras na ang kuryanteng mararanasan ng mga residente ng Cobrador Island sa Romblon, Romblon matapos na pasinayaan kahapon ang solar-diesel hybrid power generation system sa nasabing bayan.
Pinangunahan ito ng mga representatives galing sa Asian Development Bank (ADB), Romblon Electric Cooperative (ROMELCO), mga local officials ng Romblon.
Sa statement ng ADB para sa mga mamahayag, sinabi nitong ang pagtatayo ng solar-diesel hybrid power plant sa Cobrador Island, Romblon ay bahagi ng kanilang Energy for All intiative sa pakikipagtulungan nila sa Korea Energy Agency, National Electricfication Administration at sa ROMELCO.
“Just yesterday, the electricity supply was constrained to only a few hours a day due to the limitations of the diesel generation system,” ayon kay ADB Country Director Richard Bolt na pinangunahan ang inagurasyon.
“From today, a 24-hour supply of cleaner and more affordable electricity will be provided using a hybrid solar-diesel system, benefiting homes, the health center, the school, and local industries.” dagdag ni Bolt.
Ang nasabing solar-diesel hybrid power plant ay may 30-kilowat (kW) solar photovoltaic capacity na maaring gamitin sa araw at meron namang 180 kW lithium-ion batteries na maaring i-store ang ang mga sobrang kuryente na maaring gamitin sa gabi. Maaring rin lumipat sa diesel kung sakaling hindi kaya ng solar panel dahil sa mahinang sikat ng araw sa pamamagitan ng 15-kW diesel generator.
Aabot sa 244 na kabahayan sa Cobrador Island ang mabibigyan ng 24 Oras na pailaw ng ROMELCO dahil sa proyekto.
Malaking tulong rin umano ito para