by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Thursday, 31 March 2016
Dalawampu’t tatlong benepisyaryo mula sa bayan ng Looc ang sumailalim sa Training on Blue Crab Fattening Project ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-IVB Mimaropa.
Ang mga ito ay pinagkalooban din ng starter kits ng nasabing ahensiya na nagkakahalaga ng P473,560 at P52,181 cash para sa pagtatayo ng cages at footbridge.
Ang pagsasanay hinggil sa pag-aalaga at pagpapataba ng mga alimango ay nasa ilalim ng Sustainable Livelihood Project (SLP) ng nasabing ahensiya kung saan ang mga benepisyaryo nito ay ang mga pamilyang naapektuhan ng bagyo.
Ang SLP ay isang community-based capacity-building program na naglalayong mai-angat ang pamumuhay ng mga benepisyaryo nito sa pamamagitan ng Community-Driven Enterprise Development approach.
Ang mga crab cages ng mga benepisyaryo ay itinayo sa mangrove area ng nasabing bayan sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)-Romblon Provincial Fishery Office.