“Tablas is a very nice place, and has a very quite sorroundings,” yan ang mga binitiwang pahayag ni Fabrice Garlenq, isang french blogger na bumisita sa Romblon para sa kanyang Philippine leg tour.
Si Fabrice naglakbay paikot ng Tablas Island kasama ang kanyang asawa na si Celine at ang tatlong anak na sina Titoanne, Amielle, at Fantine gamit lamang ang kanilang mga bike. Sa loob ng 3-araw ay natapos nilang ikutin ang buong circunferencial road ng isla.
Okey na umano sila kung saan sila maabutan ng gabi, at doon na sila matutulog.
Sobrang ganda rin umano ng Tablas lalo na ang mga tourist attraction rito ayon sa pamilya. Binisita nila ang Looc Marine & Fish Sanctuary sa bayan ng Looc at ilang sa Isla.
“It seems like the paradise, i like the cocunt tree. It’s my second time to taste a coconut and mangga,” ayon sa isa sa mga anak ng mag-asawa.
Si Fabrice ay siyam na taon nang nag-iikot sa Europe, Asia at Australia para lang mag-sulat nang blogs para sa kanyang mga kababayan sa France.
“In the future, we have to get back here. We have to see the other islands (Romblon and Sibuyan),” ayon kay Fabrice na nasa ilang probinsya ngayon ng MIMAROPA upang ikutin rin.
Ilan lamang ang pamilyang Garlenq ang ilan sa mga turistang patuloy na namamangha sa lalawigan ng Romblon.
Ayon sa Romblon Provincial Tourism Office, patuloy ang kanilang kampanya upang mas mapaunlad ang turismo sa lalawigan.
Visit their website at http://www.lafamillecyclotouriste.blogspot.com/