Inaasahang magbubukas ng stand-alone theaters o sinehan sa Romblon ang SM Group, ang pinakamalaking cinema chain operator sa bansa, ngayong taon bilang bahagi ng kanilang pag-offer ng sinehan sa labas ng kanilang shopping centers.
Ayon kay SM Lifestyle Entertainment Inc. president Edgar Tejerero, ngayong taon inaasahang ipapakilala na ng kompanya ang tatlo o apat na stand-alone community theaters na tatawagin nilang SM Blink Cinema.
“There are a lot of areas where we cannot put up any more malls because it’s too small or logistics won’t allow it so we decided to put up countryside cinemas,” pahayag ni Tejerero.
“Designed to reach patrons who do not have near access to in-mall activities, the stand-alone theaters will release current films simultaneously airing with Metro Manila branches,” dagdag pa ni SM Lifestyle Entertainment Inc. president Edgar Tejerero.
Sa susunod na tatlong taon, inaasahang aabot sa 44 Blink Cinema ang kanilang maitatayo sa pamamagitan ng franchise model.
“We will be using the franchise model since it’s hard for us to bring these types of cinemas to the provinces. We have already identified 44 locations nationwide for Blink Cinema. Among these are Masbate, Romblon and Marinduque,” ayon kay Tejerero.
Ang nasabing SM Blink Cinema ay magkakaroon ng average floor space na 600 to 800 square meters at may seating capacity lamang na hanggang 100 katao.
Sa ngayon meron nang 307 theaters ang SM Group sa buong Pilipinas na binubo ng 289 2D at 3D screens at 8 IMAX Theaters at 10 Director’s Club Cinemas.