by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 15 February 2016
Nangangailangan ang Philippine Science High School – Mimaropa Region Campus (PSHS-MRC) ng faculty members at administrative staff na nakatakdang buksan ngayong 2016 sa bayan ng Odiongan, Romblon.
PSHS System ay tumatanggap na ngayon ng mga aplikakanteng nagnanais maging empleyado ng PSHS-Mimaropa Regional Campus na magtatagal lamang hanggang Marso 31.
Ang Philippine Science High School System (PSHSS), ay isang sangay ng Department of Science and Technology (DOST) na nagbiigay ng prebilihiyong makapag-aral ang mga batang mahihirap pero may angking katalinuhan.
Ayon kay Provincial Officer Marcelina Servañes ng Provincial Science and Technology Center, maraming kawani ang kinakailangan ng PSHS-MRC upang makapagsimula na ito ngayong school year. Ang mga posisyon kung saan maaaring mag-apply ay ang mga sumusunod: Director III (Campus Director), Administrative Officer V (Section / Division Chief), Accountant II, dalawang Special Science Teacher II, Administrative Officer III (Cashier II), Administrative Officer III (Supply Officer II), pitong Special Science Teacher I, Administrative Officer II (Budget Officer I), Guidance Services Associate I, Administrative Aide VI (Clerk III) at Administrative Aide I (Utility Worker).
Ang isang aplikante ay dapat Filipino citizen at hawak o nakamit nito ang minimum requirements ng mga nabanggit na bakanteng posisyon.
Sa mga kwalipikadong aplikante, kailangang magsumite nito ng application letter; Comprehensive Resume (use/fill out the PSHSS-OED form {CSC Form 212, Revised 2005} na dapat sagutan ng maayos at kompleto ; kopya ng Official Transcript of Records; Authenticated Certificate of Eligibility or Board Results; Certificates of training at kung saan dati nagtatrabaho.
Sa mga interesadong mag-apply, maaaring magsadya ng personal sa tanggapan ni Dr. Larry L. Cabatic, Executive Director, Philippine Science High School System na matatagpuan sa Agham Road, Diliman, Quezon City. Pwede ring magpadala ng aplikasyon sa pamamagitan ng koreo (postal service) o E-mail nito: oed@pshs.edu.ph.