by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Wednesday, 03 February 2016
Ang pagkakaroon ng mga UV Expresses sa Tablas Island, Romblon ang isa sa mga nakikitang solusyon ng mga jeepney operators upang hindi maungusan ng mga bus transport na unti-unting pumapasok sa Tablas Island, Romblon.
Ito ang nakuhang impormasyon ng Romblon News sa isinagawang consultative meeting kahapon, February 02, sa bayan ng Ona Building, Romblon Provincial Hospital, sa Odiongan na kung saan pinagusapan ang pagpasok ng bus transport sa lalawigan.
Dinaluhan ng mga Sanguniang Bayan Members, representatives ng Land Transportation Office, Local PUJ Operators, Dimple Star Transport, at ilang concerned citiezens.
Ang nasabing solusyon ay maaring maging pamalit sa mga jeep na 15 years lamang pwedeng ibiyahe ayon sa pamunuan ng Land Transportation office.
Malaking tulong rin umano ito para sa mga pasahero na galing sa Tugdan Airport at ng barkong 2Go Travel na minsan ay walang jeep na sumusundo sa pantalan.
Patuloy naman na kinukuhaan ng pahayag ng Romblon News ang ilang local jeepney drivers kaugnay sa paglalagay ng UV Express sa Tablas.