by Paolo Mendoza, Romblon News | Tuesday, 02 February 2016
May bagong bahay na ang sikat na #MonggiTextStory sa Facebook matapos itong sumali sa leading online news media sa Romblon, ang Romblon News Network.
“Cannot promise anything. Hangga’t may sumusupprta sakin di ako titigil sa pagsusulat.” pahayag ng writer nitong si Gerald David na dati ring writer ng The Harrow, ang opisyal na campus newspaper ng Romblon State University Main Campus nang tanungin ito kung ano ang aasahan pa ng mga avid followers niya sa bago niyang bahay.
“Writing is my first love.” pahayag pa ni David.
Ang #MonggiTextStory ay kwento sa love story ni Alexander and Alexandra na sa masusundan mo sa palitan ng kanilang mga text messages.
Ayon naman kay Paul Jaysent Fos, Senior Correspondent ng Romblon News Network, maganda umanong pagsisimula ito para sa pahayagan dahil malaking tulong ito lalo na sa mga kabataan na follower rin ng Romblon News Network.
“Maganda’t ngayong February siya magsisimula, buwan ng mga puso.” pahayag ni Fos.
Malaking Valentines Gift umano ito para sa mga readers ng Romblon News dahil may bago silang babasahin maliban sa mga maiinit na balitang inilalabas ng pahayagan.
Mababasa na ang #MonggiTextStory sa Romblon News Network simula Sunday, February 14.