by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 02 February 2016
Magsisimula nang manghuli ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station sa darating na Lunes, February 08, ng mga motorcycle riders na lumalabag sa Republic Act 4136 matapos silang bigyan ng karapatan ng Land Transportation Office na manghuli.
Kasama sa mga huhulihin ay ang mga may-ari ng mga motorsiklong naka-modify, may mga maiingay na muffler, at ang mahuhuling nagkakarera.
Ayon kay Police Senior Inspector Alvimar Flores, Chief of Police ng Odiongan MPS, seryosong ipapatupad ang nasabing batas sa bayan ng Odiongan upang mabawasan ang mga aksidente sa daan at para na rin maisaayos at maging responsableng motorista ang lahat.
Pinaalalahanan rin ni PSInsp Flores ang mga may-ari nang mga motorsiklo na i-renew na ang kanilang mga driver’s licence dahil kasama sa mga huhulihin ang mga paso na ang lisensya.
Mahigpit rin nilang babantayan ang mga hindi sumusunod sa Over Speeding, No Parking Zone Policy, at ang pagmamaneho ng nakainom.