Sabay-sabay na nanalangin para tapusin na ang karahasan sa Pilipinas at sa buong mundo ang mga estudyante ng Romblon State University Main Campus kahapon, February 18.
Aabot ng halos 600 katao na binubo ng mga estudyante, faculty, staff at ilang religious leaders ang dumalo sa halos isang oras at kalahati na event.
Dala-dala ang kanilang mga kandila, naglakad ang mga estudyante mula Campus palabas ng National Road patungong Odiongan National High School at pumasok ng Odiongan Sports Complex.
Ayon sa post ni Aren Fallaria sa Romblon News Network Facebook Page, nagkaroon rin ng ilang activity katulad nang pagsusulat ng mga petition prayers, at nagkantahan rin ng papuring mga awitin.
Ilang mga keynote speakers rin ang nagbigay ng mensahe upang hikayatin ang mga kabataan na iwasan ang mga masasamang gawain na nagiging sanhi ng karahasan.