by Ivan Jason Macabenta, Romblon News | Wednesday, 10 February 2016
Dagsa ngayong araw ang mga debotong katoliko sa mga simbahan upang saksihan ang pagsisimula ng araw ng kwaresma.
Ang araw na ito ay tinatawag na Miyerkules ng Abo kung saan naglalagay ng abo na mula sa sinunog na binasbasang palaspas noong nakaraang taon sa noo ng mga deboto.
Ito ay paalala sa mga mananampalataya na tayo’y babalik sa alabok bunga ng mga kasalanan ng tao. Ito ay isa ring simbolo ng pagsisisi at panunumbalik sa Panginoon na nag alay ng kanyang buhay dahilan sa lubusang pagmamahal sa sangkatauhan.
Magtatapos ang panahon ng kwaresma sa Linggo ng Palaspas na simula naman ng Semana Santa sa March 20.