by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Wednesday, 03 February 2016
Dalawampu’t isang kababaihan sa bayan ng Ferrol ang nabigyan kamakailan ng libreng 15 araw na Skills Training on Wellness Massage sa pangunguna ng Department of Labor and Employment – National Reintegration Center for OFWs (DOLE – NRCO).
Ang nasabing aktibidad ay nasa ilalim ng Balik Pinay! Balik Hanapbuhay! Program ng DOLE-NRCO na naglalayong mabigyan ng hanapbuahy ang mga dating OFW na umuwi na sa bansa at piniling ditto na lamang magtrabaho.
Kaugnay nito, 15 na dating Overseas Filipino Workers (OFWs) ang nabigyan naman ng starter kit for wellness massage at nakatakda na rin silang sumailalim sa assessment ng TESDA Romblon upang magkaroon ng National Certificate.
Sinabi ni Andrea Joy Agutaya ng (DOLE-NRCO na ang assessment fee para sa 15 former OFWs ay sasagutin ng kanilang tanggapan bilang karagdagang tulong sa mga ito.
Ayon pa kay Agutaya, naging matagumpay sa pangkalahatan ang nasabing aktibidad dahil na rin sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Ferrol at TESDA Romblon Provincial Office.