by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Wednesday, 24 February 2016
Ang Rural Health Unit (RHU) Romblon ay nakatakdang magsagawa ng mass immunization kontra polio simula ngayong araw hanggang ika-26 ng Pebrero sa 31 barangay na nasasakupan nito.
Target ng programang ito ng Department of Health na mabakunahan laban sa polio ang mga batang bagong silang hanggang apat at labing isang taong gulang para pigilan ang posibleng paglaganap ng naturang sakit lalo na sa naninirahan sa mga liblib na lugar.
Layunin din ng pagbibigay ng oral polio vaccine sa mga bata na mabawasan ang panganib nang pagkalat ng wild polio virus na mula sa mga polio endemic countries.
Ayon kay Municipal Health Officer Merly Valen H. Mallorca, kailangan lamang dalhin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na barangay health station o di kaya ay sa mga fix sites na itinalaga sa kanilang lugar.
Maaari silang makipag-ugnayan sa kanilang mga barangay officials at barangay health workers upang malaman kung saan gaganapin ang pagbibigay ng libreng oral vaccination laban sa polio.
Nakatakdang mag-ikot simula sa Lunes sa lahat ng barangay sa bayan ng Romblon ang mga health workers ng RHU Romblon katuwang ang mga barangay health worker upang maghatid ng nasabing serbisyo.
Nanawagan naman ang RHU Romblon at DOH sa publiko na suportahan ang proyektong ito upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng polio sa bansa lalung-lalo na sa mga bata.