by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 19 February 2016
Mag-aalas 7 ng umaga ng halughogin ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology Romblon kasama ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station ang mga selda sa Odiongan District Jail sa Odiongan, Romblon kaninang umaga.
Ito ay bahagi ng operation greyhound ng BJMP.
Nasabat sa mga silid ng selda ang ilang blades, kutsilyo, posporo at ilan pang pinagbabawal na gamit sa kulungan.
May nakuha ring bala ng baril na sinabi ng may-aring inmate na agimat niya umano ito.
Ayon kay Odiongan District Jail OIC Warden, Inspector Jorge Allan D’May Soriano, papanagutin nila ang mga inmates na nakuhaan ng mga illegal na gamit.
Patuloy rin umano ang ginagawang pagbabantay ng BJMP sa Odiongan District Jail upang hindi makapasok ang mga illegal na druga sa kulungan.
Sa ngayon, aabot na sa 164 katao ang kasalukuyang nakakulong sa Odiongan District Jail.