by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 16 February 2016
Naka-heightened alert na ang pamunuang ng Department of Health MIMAROPA laban sa mga bagong sakit katulad ng Zika Virus at Mers Cov.
Sa isang statement ni Regional Director Eduardo Janairo sa Palawan News, sinabi nitong mas hinigpitan nila ang pagbabantay lalo na sa Puerto Princesa at sa Palawan dahil na rin isa sa mga best tourist destination sa rehiyon at sa buong mundo ang nasabing lugar kaya may posibilidad na may mga turista na may dala nang mga nasabing sakit na bumisita sa lalawigan.
Dahil sa maaring pagpasok ng sakit, naglagay na ng mga precautionary measure sa airport ng palawan para masiguradong hindi makakapasok ito sa lalawigan.
Ang Zika virus ay mosquito-transmitted infection katulad ng dengue, yellow fever at West Nile virus. Sa ibang lugar aabot na sa ilang daang katao ang tinamaan ng nasabing sakit.
Sinabi rin ni Janairo na naabisuhan na nila ang mga tourism establishments sa lugar kung ano ang gagawin kung sakaling may turistang nagpakita ng sintomas ng Mers Cov at Zika virus.