by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Sunday, 07 February 2016
Tinipon kamakailan ng Department of Interior and Local Government (DILG) MiMaRoPa ang lahat ng ng miyembro ng Local Poverty Reduction Action Team (LPRAT) sa buong lalawigan upang isailalim ang mga ito sa oryentasyon hinggil sa wastong implementasyon ng Bottom Up Budgeting Projects sa 2017.
Layunin ng nasabing aktibidad na bigyang kakayahan ang mga lokal na pamahalaan sa paghahanda ng mga panukalang proyekto na akma sa pangangailangan ng kanilang mga bayan upang lalong mapadali ang pagpoproseso at paglalaan ng pondo sa ilalim ng BuB.
Sinabi ni DILG Provincial Director Juanito Olave Jr., mahalagang matutunan kung paano ang paggawa ng mga panukala dahil dito nakasalalay ang uri, pondo at kalalabasan ng isang proyekto.
Aniya, mahalaga ito upang magkaroon ng pangkaraniwang kahulugan at level-off na pang-unawa sa pagitan ng mga benepisyaryo at tagapagpatupad ng nasabing mga proyekto.
Ang oryentasyon ay ginanap sa Haliwood Inn and Restaurant sa bayan ng Odiongan na dinaluhan ng LPRAT Members ng 17 munisipyo at mga kinatawan ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, Department of Social Welfare and Development, National Anti-Poverty Commission, Department of Health, Department of Education, Department of Agriculture, Technical Education and Skills Development Authority, Department of Budget Management, Department of Energy, Department of Agrarian Reform, Department of Environment and Natural Resources, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Electrification Administration, Department of Tourism, National Commission on Indigenous People, at iba pa.
Ang bawat kinatawan ng National Government Agencies ay nagpresenta ng iba’t ibang menu of projects upang maging batayan ng lokal na pamahalaan sa wastong implementasyon ng BuB projects na pinondohan ng pamahalaang nasyunal.
Ang BuB ay isang programang naglalayong dagdagan ang access ng mamamayan sa mga lokal na serbisyo sa pamamagitan ng pagpaplano ng budget at upang palakasin ang pananagutan ng pamahalaan sa lokal na pagkakaloob ng pampublikong serbisyo.