by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Sunday, 07 February 2016
Nangangailangan ang Department of Education (DepEd) Romblon ng mahigit 200 guro para sa pampublikong elementarya at high school sa darating na school year 2016-2017.
Sinabi ni OIC-Schools Division Superintendent Roger F. Capa na hinihintay na lamang ng ng kanilang tanggapan ang hiring guidelines mula sa Central Office ng Kagawaran ng Edukasyon.
Aniya, ang mahigit 200 guro na kanilang iha-hire ay magtuturo sa senior high school ngayong darating na Hunyo. Ang isang kwalipikadong aplikante ay kinakailngang may field of specialization, mayroong master’s degree at para sa mga magtuturo ng Techvoc ay dapat may National Certiticate II mula sa TESDA.
Mas mataas aniya ang sweldong matatanggap ng mga gurong magtuturo sa Senior High School.
Tumatanggap na rin ang DepEd Romblon ng mga aplikante para sa mga bakanteng posisyon sa Secondary Junior High school, Elementary at Kindergarten. Maaari din mag-apply ang mga bagong graduate dito hanggang February 5, 2016 lamang.
Kailangan aniyang nakapasa Licensure Examination for Teachers (LET) at dadadaan pa ang isang aplikante sa isang proseso, nira-ranking, binibigyan ng puntos ang working experience, training o seminar at may teaching presentation/demonstration na gagawin ang mga ito.
Maaring magsumite ng aplikasyon ang mga ito sa Public Schools District Office na malapit sa kanilang lugar o magsadya ng personal sa DepEd Division Office of Romblon sa Bgy. Capaclan, Romblon, Romblon.
Ang mga papalaring aplikante ay makakatanggap ng basic salary na halos P18,600 base sa entry-level ng Teacher I item.