by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Thursday, 18 February 2016
Nagsagawa ng isang consultation meeting ang mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong nakaraang araw sa Calapan City, Oriental Mindoro na dinaluhan ng thirty-two extension workers na binubuo ng mga municipal agricutlursists at agriculture technicians.
Layunin ng consultation meeting na mapalakas ang relasyon ng BFAR at mga stakeholders sa buong MIMAROPA Region na binubuo ng Mindoro Oriental, Mindoro Occidental, Marinduque, Romblon, at Palawan.
Naging daan rin ang consultation meeting upang makapag-present ang mga opisina ng accomplishment report noong 2015 kaugnay sa mga fishery projects sa buong rehiyon maliban sa Palawan.
Ayon kay BFAR-MIMAROPA Regional Director Ruben Jardin, aabot na sa 139,000 na mangingisda, 19,678 bangkang pangisda, at 27,480 fishing gears ang nakarehistro sa regional office ng BFAR.
Sinabi naman ni Renalee Tutop ng BFAR TARGET (Targeted Actions to Reduce Poverty and Generate Economic Transformation in the Fisheries Sector), malaking tulong umano ang pagpaparehistro upang ma-determine ng opisina kung sino ang mga pwedeng mabigyan ng mga benepisyo ng kanilang mga programa.