by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Friday, 25 February 2016
Matagumpay na idinaos sa bayan ng Romblon ang 2016 Regional Festival of Talents (RFOT) na ginanap kamakailan sa Romblon National high School taglay ang temang: “Artistry at its Best by Harmonizing Talents: Maximizing Skills”.
Ito ay nilahukan ng mga delegasyon mula sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon kung saan tintayang umabot sa 300 delegates ang dumating upang lumahok sa naturang kompetisyon.
Ang RFOT ay isang patimpalak na nagbibigay pagkakataon sa mga kabataang mag-aaral na maitanghal ang kanilang kagalingang technical at vocational.
Kabilang sa mga paligsahan sa RFOT ang experimental fish dish, experimental cookery, children’s wear construction, nail art with hand massage, hairstyle with facial make up, electronic and troubleshooting and repair, electrical installation and maintenance NC II, automotive servicing NC II, landscaping, web page designing, personal computer assembly with configuration and networking at tarpaulin designing.
Ang mga nanalo sa naturang paligsahan ang kakatawan sa MIMAROPA Region upang sumabak sa 2016 National Festival of Talents (NFOT) na magaganap sa General Santos City simula bukas hanggang ika-25 ng Pebrero.