by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 15 January 2016
Ang probinsya ng Romblon ay makakatangap ng mga blood pressure (BP) apparatus at glucometers mula sa Department of Health (DOH)-MIMAROPA para mas mapabilis ang pagmonitor ng mga health workers at volunteers sa mga pasyenteng may diabetes at high blood pressure.
Sa press release na inilabas ng DOH-MIMAROPA, sinabi ni Regional Health Director Eduardo Janairo na ang dalawang apparatus ay magagamit ng mga health workers sa mga bayan para sa mas makakuha ng saktong blood pressure readings at glucose levels para mas mabantayan ang mga pasyenteng may mga nasabing karamdaman.
Sinabi rin ni Janairo na ang pag-momonitor sa diabetes at high blood pressure ng mga pasyente ay essential na bahagi ng pagmamanage ng non-communicable disases o NCDs dahil ito umano ay madaling masugpo sa pamamagitan ng diet o pag-inum ng gamot.
“That’s why getting regular, accurate blood pressure and blood-glucose readings are vital to a person’s long-term health,” ayon kay Janairo.
Sa ngayon nakatanggap na ang mga lalawigan ng Mindoro ng 85 BP apparatuses at 261 glucometers habang sa Marinduque naman ay 35 BP apparatuses at 45 glucometers.
Tiniyak rin ni Janairo na makakatangap ang mga lalawigan ng Romblon at Palawan ng mga parehong apparatuses bago matapos ang unang quarter ng 2016.
Maliban rito ay magsasanay rin ang DOH-MIMAROPA ng 23 health workers para maidagdag sa mga magbabantay sa mga taong may NCDs lalo na sa mga remote areas.
“Let us prevent the spread of NCDs by encouraging every member of the family to practice healthy lifestyle and proper nutrition for a longer, healthier and more fulfilling life and decrease the risk of developing chronic illnesses than can prevent many diseases,” pahayag ni Janairo.