by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Tuesday, 12 January 2016
Patuloy na nagpapatuloy ang isinasagawang rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ni bagyong #NonaPH sa lalawigan ng Romblon partikular na sa mga munisipyo ng Corcuera, Banton at Concepcion na nasa hilagang bahagi ng Romblon.
Sa Concepcion, aabot na sa halos 50% ng mga barangay rito ang naibalik na ang kuryente.
Aabot rin sa halos 50 sako ng bigas ang ipinagkaloob ng Office of the Civil Defense sa bayan upang may sapat na pagkain ang LGU na maipapamigay sa mga nasalanta ng bagyo na hanggang ngayon ay pahirapan sa pagbangon matapos masira ni Nona ang kanilang mga hanap buhay.
Sa bayan naman ng Corcuera, marami na ang naipaayos na bahay na nasira ni Nona sa pamamagitan ng mga naibibigay na tulong ng National Housing Authority.
Ayon kay Mayor Rachel Bañares ng makausap ng Romblon News nitong Lunes, patuloy ang kanilang isinasagawang pagsasaayos sa mga linya ng kuryente sa lugar.
Nagtungo na rin sa isla ang mga tauhan ng Tablas Island Electric Cooperative Inc. o TIELCO upang ma-asses ang damage sa kuryente sa lugar upang may magamit sa paghingingi ng tulong kay President Aquino upang mabigyan ng grant sa ilalim ng Sitio Electrification Program.