by Paul Jaysent Fos, Romblon News | Friday, 15 January 2016
Simula ngayong araw hanggang February 06 at 07 ay maari nang mag-apply ng emergency loan ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) at old-age pensioners sa lalawigan ng Romblon at Masbate.
Ang GSIS ay naglaan ng Php740 million para ma-assist ang 20,477 na miyembro at 3,811 pensioners ng GSIS sa parehong probinsya na sinalanta ng bagyong Nona, hiwalay pa rito ang Php1.6 billion na inilagak ng GSIS para sa mga miyembro ng Albay, Mindoro, at Sorsogon.
Ang mga miyembro na walang emergency loan balance ay maaring mag apply ng Php20,000 loan, habang ang mga may balance pa sa kanilang emergency loan ay maaring humiram ng Php40,000 na kung saan yung balance ay ibabawas sa total na makukuha.
Ang mga pensioners naman ay maaring mag avail ng Php20,000 loan.
Ang mga active members ay qualified para sa loan kung sila ay nagtatrabaho o naninirahan sa mga lugar na tinamaan ng kalamidad, kung sila ay hindi naka-leave of absence without pay, at kung sila ay walang unpaid loan amortization sa loob ng anim na buwan.
Maaring mag apply sa pamamagitan ng GSIS eCard o di kaya sa pamamagitan ng kanilang unified multipurpose identification (UMID) card sa GSIS Wireless Automated Processing System (GWAPS) kiosk na matatagpuan sa mga GSIS offices, provincial capitols, munisipyo, malalaking government agency katulad ng Department of Education, 27 Robinsons Malls, at SM Super Malls sa Manila, Pampanga, at Cebu.
Kailangang mag apply ang mga pensioners in person.
For more information on the emergency loan program, members and pensioners may call the GSIS Contact Center at 847-47-47; visit its website at www.gsis.gov.ph; or email gsiscares@gsis.gov.ph.