by Dennis Manzo, Philippine Information Agency | Monday, 18 January 2016
Pormal nang inanunsyo ang mga nananalo sa isinagawang kompetisyon sa 6th Romblon Marble Festival na ginanp sa Romblon Shopping Center sa kabisera ng lalawigan taglay ang temang: “Lumlom, Lumyom’ How Romblon got It’s name.”
Ang patimpalak ay may tatlong kategorya: Marble Carving category, Lathe Machine Products category at Trophy Design/Making category.
Sinabi n i Executive Assistant and Provincial Economic Investment Promotion Officer (PEIPO) Roberto R. Madera, na umabot sa 43 katao ang lumahok sa naturang kompetisyon. Ang patimpalak ito ay tagisan ng galing sa paglilok o pagdisenyo ng mga novelty items at artworks na yari sa batong marmol.
Si Belinda M. Medoza ang tumayong hepe ng mga hurado ay pormal na siy sa mga nanalo sa katatapos na kompetisyon.
Sa Marble Carving category, ang unang gantimpala ay napanalunan ni Henry Santiago, pumangalawa si Danilo Mortel at pumangatlo si Arnold Madeja.
Sa kategoryang Lathe Machine Products, nanguna si Joseph Salvador, pumangalawa si Freddie Marquina at pumangatlo si Ruben Santiago.
Sa Trophy Design/Making category naman ay nakamit ang unang pwesto ni Ariel Martos, pumangalawa si Darwin Santiago at pumangatlo si Melanio Condes.
Tumanggap din ng consolation prize na nagkakahalaga ng tig-P3,000 ang mga di pinalad na nanalo.
Panauhing pandangal sa nasabing programa sina dating Energy Secretary Jericho Petilla at Governor Eduardo Firmalo na personal na nag-abot ng premyo sa mga itinanghal na panalo sa patimpalak.
Kabilang rin sa mga sumaksi sa naturang kompetisyon ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, mga kawani ng DTI Romblon, mga empleyado ng kapitolyo, mga dayuhan at lokal na turista.