by Paolo Mendoza, Romblon News | Monday, 25 January 2016
Kinansela ng Coast Guard Station – Romblon ang mga biyahe ng pampasaherong bangka sa buong lalawigan ng Romblon dahil sa nakataas na gale warning sa mga dagat na sakop ng lugar dahil sa malakas na hanging amihan.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), magiging mataas ang mga alon sa dagat ng Luzon ngayong araw.
Ilang pasahero naman pauwi ng Sibuyan Island at Tablas Island na dumalo sa Boy Scout Encampment nitong Sabado ang stranded sa pantalan ng Romblon dahil sa kanseladong biyahe.
Hindi rin pinayagang maglayag ang barko ng Montenegro na biyaheng San Agustin – Romblon -Sibuyan dahil sa malakas na alon.